Ngarag ang araw na ito!
hahaha! Pagsabayin ba naman ang ACCOUNTING DEPARTMENTAL EXAM at SECTION PROJECT SA P.E.. Hindi ko pa natapos sagutan ang mga tanong sa asignaturang pagtutuos kaya naman hinulaan ko nalamang ang humigit limang tanong dahil sa kakulangan ng oras.
WHEW!!
ito ang unang pagkakataon na nagsama-sama ang BSA 1-14D sa paggawa ng isang section project.
Ang pagdedesign ng sangkatutak na bilao.
Umuula ng tela, garter, yarn at bilao sa paligid.
HUmigit kumulang singkwentang yarda ng tela ang nakokonsyumo namin sa proyektong ito.
Isama mo pa ang daang yarda ng garter at ilang rolyo ng yarn. Pati masking tape, gunting at compass binili na. Buti nalang kahit saan ka lumingon sa PUP eh napakaramaing tindahan. HAHAHA.
Hindi pa magkanda-ugaga dahil sa dalawang daang piraso ng bilog na tela, style shower cap na tatahiin. Kanya kanyang diskarte at pag uwi sa bahay ng mga gagawin.
Naghintay pa kami ng halos 2 oras dahil bumii sa divisoria ng bilao ang iba naming classmate. Kung saan saan namin inisip pumunta, Sobrang mga gutoom na kaya ang iba samin pumunta munang centerpoint para kumain at magpalamig.
Pagbalik sa PUP, sa basketball court sa Teresa St. din nauwi ang venue namin.
HAHAHA. Sa sobrang tagal namin sa maynila pakiramdam ko isang linggo na kong hindi umuuwi. Tinetext at pinapauwi na nga ako ng nanay ko. Halatang miss na ko ng mga tao sa bahay namin.HAHAHA.
At the end of the day, nakaraos naman at kahit papano ay kalahati na sa 200 pirasong shower cap style na pangsaklob sa bilao ang naisaayos namin.
~~iza
No comments:
Post a Comment